Tuesday, August 3, 2010

Anime and Manga

ANIME. Mahilig ako sa anime. Lalo na nung high school. Nag-umpisa akong maadik sa anime nung first year high school ako. Nung elementary kasi sa cartoons pa ako mahilig, yung mga Dexter's Lab, PowerPuff Girls, Rugrats, Cow and Chicken, I am Weasel...yang mga yan ang pinapanood ko dati, mga katangahan lang. Haha. I mean yung pagka-drawing nila parang tanga. XD Ngayon, mas gusto ko na ang anime. Mas maganda kasi yung art ng anime kaysa sa cartoons. Hmm. Nanonood pa rin naman ako ng cartoons, SpongeBob, Fairly Oddparents, Pucca, Phineas and Ferb...yang mga yan. Pinapanood kasi ng pamangkin ko, kaya yun, nakikinood na rin ako.  Hehe. Pero wala na kong masyadong pinapanood na anime ngayon. Wala kong mahanap na maganda. Mapili rin kasi ako pag nanonood, gusto ko may gwapo na character. Kung wala, hindi ko papanoorin yung anime na yun. Haha. XD

Meron pa akong isang kinaaadikan. MANGA. Hindi ito prutas ha. Japanese comic book ang manga. Black and white, it's read from right to left kaya medyo nakakalito magbasa, lalo na kung first time mo. I started reading manga when I was in fourth year high school. Binili ko pa yun sa National Bookstore. Vampire Princess Miyu yung title ng manga na yun. Andito pa rin sa bahay. Buhay na buhay pa. Mega alaga ako dun. Haha. Nung time na yun, hindi ko pa alam na pwede pala magbasa ng manga sa net. At libre pa. Tanga tanga pa kasi ako nun eh. Expensive kasi ang manga, mga 300+. So, ayun, lagi akong nagnenet dati sa Discnet, computer shop yan, pero wala na ngayon. Wala pa kasi kaming net sa bahay non. Inuubos ko pa pera ko para lang makapagbasa ng manga. Haha. Ang pinaka-una kong binasa na manga sa net, Bloody Kiss, paborito ko yan. Gwapo kasi nung protagonist. Vampire siya. ♥ Nung nagkaroon na kami ng net sa bahay, January 13, 2009, ayun, mas lalo akong naadik sa manga. Lalo na nung bakasyon, dami kong nabasang manga. Haha. Pero ngayon, I don't have much time to read. I'm still searching for a good manga. Natapos ko na kasi basahin yung FullMetal Alchemist [27 volumes, 108 chapters], paborito ko yan, pati yung InuYasha [56 volumes, 558 chapters]. So, ayun, wala na kong kinababaliwan na manga ngayon. Hehe. :]


ANIME and MANGA. These are the things I need to kill boredom. Lalo na pag mag-isa ko sa bahay. Yan lang ang ginagawa ko. Haha. Dati rati, nagpupuyat ako para lang dyan, pero nagstop na ko. It's a bad habit. Pati grades ko naaapektuhan eh. Dati kasi di na ko nagrereview pag may exam. Pagbabasa ng manga ang inaatupag ko. LOL. So paminsan minsan na lang ako magbasa ngayon. Pag may update lang, once a week lang kasi mag-update pag sa anime, once or twice a month naman pag sa manga. Kaya yun, I'm just waiting for updates lang. Haha. XD

Salamat sa mga nagbasa sa post na to. Comment lang kayo if you want. Recommend me some good anime or manga na rin. Arigatou gozaimasu. :]]


5 comments:

  1. naruto ♥ :3..pero alam kong ayaw mo eh ..haha

    ReplyDelete
  2. haha. gusto ko yung may pogi na character. meron ba dun? XD

    ReplyDelete
  3. i suggest that you read the s.a, dun theirs a lot of cute guys. i'm sure you will it. or try the gundam 00.

    ReplyDelete
  4. SA? special a? hmm. yeah, sure. i'll try watching or reading it some time. :]

    ReplyDelete