Saturday, August 7, 2010

i had a bad day

Hay. Ang malas ko nga naman ngayon oh. Kainis. Nagstart lang naman ang pagka-badtrip ko nung pauwi na ko galing sa bahay ng friend ko. Umaambon pa lang nung naghihintay ako ng jeep. Ayan, nakasakay na ko. Medyo basa yung upuan kaya naiinis ako. Biglang lumakas ung ulan. As in heavy rain. May tatlong babaeng sumakay. Naiinis ako kasi ang iingay nila. Parang mga barriotic. Ang gandang sipain ng pagmumukha nila. Grabe. Tapos yung tatanga-tangang driver, pinapaurong niya ko kasi nababasa yung mga taong malapit sa pintuan. Sabi ko, "Tanga ka ba? Basa kaya." Wala na kong magagawa kasi nababasa na yung dalawang katabi ko, pasalamat sila at mabait ako. Shet. Nababasa pa ako kasi mahangin, nabasa yung right arm ko. Tae. Ang pinaka kinaiinisan kong moment ay yung pagkababa ko ng jeep. Damn! Wala kong payong, super lakas ng ulan. Ayun, I got so freakin soaked tuloy! Nakakabadtrip talaga. Para akong nagshower, basang basa ako, hayop talaga. Haay.

Nawala lang naman yung pagkabadtrip ko nung sabi ni Mommy na may Jollibee sa ref. Natuwa ako. Haha. Paborito ko kasi yun eh. Parang bata lang eh no? Habang tina-type ko nga to, kinakain ko na yung burger eh. Wala ng fries, kinain ni Mommy. Haha. XD

2 comments: